Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Yahweh kay Josue, “Inalis ko ngayon ang kahihiyan ng pagkaalipin ninyo sa Egipto.” Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag na Gilgal[a] magpahanggang ngayon.

10 Samantalang(A) ang mga Israelita ay nasa Gilgal sa kapatagan ng Jerico, ipinagdiwang nila ang Paskwa noong kinagabihan ng ikalabing apat na araw ng unang buwan. 11 Kinaumagahan, araw pa rin ng Paskwa, kumain sila ng mga pagkaing inani nila sa lupaing iyon: sinangag na trigo at tinapay na walang pampaalsa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9 GILGAL: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Gilgal” at “inalis” ay magkasintunog.